Showbiz-Files
Thursday, August 03, 2006
  Snooky..PAHAMAK!!
Noong Linggo ay may ‘exclusive’ VTR interview ang S-Files kay Snooky Serna kaugnay sa isyung nagtangka itong magpakamatay.
Bilang handler/publicist ni Snooky, sa amin nakipag-usap ang segment producer ng S-Files tungkol sa interbyung ‘yon.
Pina-approve namin kay Snooky ang ‘exclusive’ VTR interview sa kanya ng S-Files at pumayag ang aktres, kaya nagulat kami nang malaman naming may VTR interview din pala sa aktres ang The Buzz.
Natural na mag-react ang mga taga-S-Files dahil hindi pala nila ‘exclusive’ si Snooky.
Sinita namin si Snooky. Sabi sa amin ng aktres, nakalimutan niya na na-interview siya ng staff ng The Buzz noong maospital siya sa Makati Medical Center.
Ang dapat daw kasi ay noong isang Linggo pa lumabas ang interbyung ‘yon at nang hindi ipalabas ng The Buzz ay nakalimutan na niya.
Pinagsabihan namin si Snooky kung bakit hindi niya ipinagpaalam sa amin ang VTR interview na ‘yon. Nakahihiya sa mga taga-S-Files dahil ‘exclusive’ ang usapan sa VTR interview niya.
Nag-sorry sa amin si Snooky, pero ipinagdiinan niya na sinabihan niya ang mga taga-The Buzz na na sabihan din kami, pero hindi naman kami sinabihan.
Noong Sabado ay tinawagan kami ni Nancy (executive producer ng The Buzz) para ipagpaalam kung pwede nilang i-guest nang live si Snooky, pero tumanggi kami at ipinaliwanag sa kanya na sorry dahil may exclusive deal kami sa S-Files at naunang komontak sa amin ang e.p. ng naturang show.
Sa usapang ‘yon ay hindi binanggit sa amin ni Nancy na may VTR interview rin sila kay Snooky, kaya nang sinisita na kami ng taga-S-Files ay sinabi namin na wala kaming alam sa bagay na ‘yon.
Gusto naming klaruhin dito na hindi namin "brilliant excuse" ang paliwanag na ‘yon sa taga-S-Files.
Kahapon ay tinawagan namin si Nancy, pati na rin si Ms. Guia (program manager for talk ng ABS-CBN 2) para ipaalam sa kanila na ilalabas namin ang pangyayari kaugnay ng ‘exclusive’ VTR interview ni Snooky.
Hindi kasi tamang kami ang masisi sa bagay na ‘yon dahil kami pa ang na-bypass ng staff ng The Buzz.
Nangako na sa amin si Snooky na sa susunod, hinding-hindi na siya papayag na magpa-VTR interview na hindi muna kami uma-agree.
Ang The Buzz naman, lalo na sina Ms. Guia at Nancy ay nangakong hindi na mauulit ang pangyayaring ‘yon.
‘Yun lang!

SOURCE
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger