Showbiz-Files
Tuesday, August 08, 2006
  Ngayun Naman Si Lovi as Crystal...
Tama ‘yung nasusulat na si Lovi Poe ang gaganap na Crystal, anak ni Bakekang, sa bagong drama series ng GMA 7 na Bakekang.
Ang dinig namin, kakaibang launching ang gagawin ng Siyete kay Lovi.
Very tempting daw ang offer ng GMA 7 management kay Lovi, kaya kahit noong una ay nangako ang anak ni Fernando Poe, Jr. (SLN) sa inang si Rowena Moran na hindi muna siya mag-aartista at singing lang ang aatupagin niya sa showbiz ay nabali ang kanyang pangako.
Kami mismo ay witness sa importansiyang ibinibigay ngayon ng Siyete kay Lovi.
Sa trade fair party ng GMA 7 na ginanap sa Embassy Club sa The Fort ay isa sa executives ang nag-abang kay Lovi hanggang sa makarating siya sa event nila.
And mind you! Isa-isang ipinakilala si Lovi sa mga inimbitahang top executives ng ilang advertising agencies, huh!

source
--------------------------------------

Lovi Poe?? humm..ang dami daming lumalabas na magiging dito sa show na to..ewan ko na kung ano ang paniniwalaan ko...pero Lovi Poe is a good choice..a new face..pwede...to me lang naman
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger