Showbiz-Files
Friday, August 04, 2006
  Movie Nina Angel At Dennis-Di Na Muna Matutuloy..
SHELVED ang project ng Regal Entertainment na I Love Paris with Angel Locsin and Dennis Trillo as loveteam.

Wala nang panahong gawin ito nina Angel at Dennis dahil magsisimula na sila ngayong August ng Mano Po 5, ang isa sa tatlong 2006 Metro Manila Film Festival-Philippines entries ni Mother Lily Monteverde.

Ang iba pang entries ng Regal ay Zsa Zsa Zaturnah at Super Noypi.

Nakausap namin si Roselle Monteverde-Teo na nagsabing next year nila itutuloy ang I Love Paris. Naging priority kasi nilang gawin ang horror-suspense titled Text for Angel and Den-nis kung saan kasama pa ang real-life boyfriend ni Angel na si Oyo Boy Sotto. Ang Text ay co-produce ng Regal at APT Films.

Wika ni Roselle: Gahol na kami sa oras, dapat masimulan agad ang Ma-no Po 3. May deadline ka-si sa filmfest. Naging dahilan ng pagkaantala ng Mano Po 5 ang paghihintay ng availability nina Dennis at Angel. Almost everyday ang taping nila sa daily soap na Majika. Bukod pa nga sa shooting nila for Text.”

So far, super malala-king projects ang handog ni Mother Lily sa filmfest. Hangad niyang magta-gumpay lahat ang entries niya para sipagin pa siyang gumawa ng maraming pelikula next year.

view source
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger