Showbiz-Files
Thursday, August 03, 2006
  Love 2 Love..Mag BaBaBye Na..

Gaano katotoo na tatapusin na lang ang kasalukuyang umeereng Season 11 ng Love to Love sa GMA -7 at mamamaalam na ito sa ere? Ito ang tsika sa amin ng taga-L2L kamakailan na ‘til September na lang ito at papalitan na ito ng ibang programa. "Four weeks kasing nanalo sa ratings game ang Love Spell sa Love to Love kaya nginarag kami ng management, e, siguro time na rin para i-reformat ang Love to Love kasi more than two years na rin naman itong umeere, nakakasawa na rin," kuwento sa amin. Kaya isa ang staff na nagkukwento sa amin na naghahanap siya ng bagong raket dahil nga hanggang Setyembre na lang sila at hindi pa sure kung kukunin sila uli para sa kapalit na show ng L2L dahil nga nagko-cost cutting ang production department ng GMA-7. At kung hindi rin kasi kami nagkakamali ay maraming shows na hawak ang mga staff ng nasa L2L dahil ka-join din sila sa Now and Forever, Posh, Sis, Family Zoo at Project 11.

Source
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger