Showbiz-Files
Thursday, August 10, 2006
  EB Babes

Fresh, sexy, pretty at mga bata’t sariwa ang dating ng sampung mapapalad na napiling EB Babes ng Eat Bulaga na pormal na ipinakilala sa press nu’ng Miyerkules nang gabi sa Klownz-Quezon Ave.
Mula sa 44 semi-finalists, 22 finalists ang napiling pumasok sa EB Babes Training Camp at matapos ang limang linggong pagsasanay at mga pagsubok, sampung matitibay na babae ang natira at opisyal na tinanghal bilang EB Babes. Sila ay sina…
ANN (Rose Ann Boleche, 19 y/o): ‘Ballroom Dancing Babe’ ng Quezon City
ANGEL (Angel Coronel, 21 y/o): ‘Streetjazz Babe’ ng QC
BELLE (Marbelynne Rivera, 18 y/o): ‘Diva Babe’ ng Bulacan
JOYCE (Joana Joyce Burgos, 18 y/o): ‘Cheerleading Babe’ ng Laguna
KIM (Kimberly Kate Guevarra, 19 y/o): ‘Comedy Babe’ ng Tarlac
LIAN (Lian Katrina Paz, 18 y/o): ‘Dance Stunts Babe’ ng Marikina City
MADEL (Madelyn Palma, 20 y/o): ‘Gymnastics Babe’ ng Cebu City
MAE (Mary Jose Dela Cerna, 19 y/o): ‘Acting Babe’ ng Bulacan
MERGENE (Mergene Maranan, 19 y/o): ‘Photogenic Babe’ ng Bulacan
SAIDA (Saida Diola, 18 y/o): ‘Belly Dancing Babe’ ng Sampaloc, Manila
Ang bawat isang EB Babe ay tumanggap ng P200,000 cash prize at P800,000 guaranteed contract mula sa TAPE, Inc. na magma-manage ng career nila for two years.
Bukod sa pagiging regular dancers ng Eat Bulaga araw-araw ay maaari rin silang mag-guest sa iba’t ibang shows ng GMA-7 as a group.

source
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger