Showbiz-Files
Wednesday, July 12, 2006
  Newest on GMA Prime Time Line Up...
BAKIT kaya sa GMA-7 napunta ang Bakekang ni Carlo J Caparas?

Nai-announce ni GMA Network president Atty. Gozon during the Fantastic 56 show last Sunday na ang Bakekang at Atlantica will be the next in line na ipu-produce ng Kapuso bilang primetime soap.

Naalaala namin out of nowhere na bigla na lang sumambulat ang balitang gagawin nga ito ng Siyete even before the rights were given. Panahon ‘yun ng Kampanerang Kuba ng ABS -CBN and some Kapamilya PR brought this out na gaya-gaya raw ang GMA-7 na porke may Vilma Santos movie-turned-soap sila, dapat may Nora Aunor movie-turned -soap naman ang Kapuso.

Tapos, after a while, biglang nabalita na sa ABS-CBN pala ito gagawin kasabayan ng news when Carlo sold the Panday rights to ABS-CBN.

Ai Ai delas Alas name was brought up na possible Bakekang. Finally, napunta rin ito sa Siyete at may pangalang attached na rin, si Sheryl Cruz nga raw as Bakekang. We heard it will either kay Yasmien Kurdi or Nadine Samonte, mga ‘anak’ ni Sheryl sa dalawang successful Now and Fore-ver episodes niya.

Back to our first question, ang pagkakulelat kaya ng Panday sa ratings ang dahilan kaya sa GMA-7 na ibinigay ni Carlo ang Bakekang?

------------------------


MAGKAKASAMA pala sa Bakekang sina Nadine Samonte at Yasmien Kurdi. Kambal silang anak ni Sheryl Cruz, na lalabas sa title role na Bakekang.

Ayon sa isang source, ang lalabas na mahirap sa dalawang kambal ay si Nadine, si Yasmien naman, aampunin ng mayamang pamilya.

Ang Bakekang ay komiks novel ni Carlo Caparas, na unang nilabasan ni Nora Aunor.

Mas mauuna pa raw itong i-tape ng GMA-7 kesa sa Atlantika nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.


------------------------

SA Fantastic 56 anniversary ng GMA-7, in-announce ni Atty. Felipe Gozon na dalawa sa bagong teleserye ng network ay ang Bakekang at Atlantika.

This Thursday na ang story conference ng Atlantika at baka next week, magsimula na si direk Mark sa taping nito.

Nang makausap namin sa shooting ng Eternity, ayaw pa ring banggitin ni direk ang cast ng teleserye’t sina Dingdong Dantes, Iza Calzado at Paolo Contis lang ang kinumpirma.

Nagulat pang alam ng press na ka-join din sina Rudy Fernandez at Valerie Concepcion. After the storycon, malalaman na kung sino pa sa bubuo ng cast ang galing sa Sugo, galing sa Mulawin, dalawa pang galing sa Encantadia at former ABS-CBN stars.

Ipinaalam din ni Atty. Gozon na dalawang pelikula ang gagawin ng GMA Films before the year ends. Isa rito’y ang Till I Met You nina Regine Velasquez at Robin Padilla.

Ang isa kaya’y ang pelikula na ni Sharon Cuneta?




(courtesy of Jounal.com.ph)
 
Comments:
sana atlantika lang ang fantaserye na ipalabas when they release it. para naman hindi puro fantasy. hopefully maglagay din sila ng drama para naman balanced yung programming. it would be nice cguro kung ganun..
 
Nice colors. Keep up the good work. thnx!
»
 
Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger