Showbiz-Files
Thursday, July 06, 2006
  GMA FANTASTIC 56: The GMA Anniversary Special
Gaganapin ang Fantastic 56: The GMA Anniversary Special sa Linggo (Hulyo 9) sa World Trade Center.
Buong araw ang kasayahan, kung saan naglalakihang mga artista ng GMA at sangkatutak na papremyo ang naghihintay sa mga Kapuso fans.
May iba’t-ibang booth kung saan makakahalubilo ng fans ang Kapuso stars para magpa-autograph at magpa-picture taking.
Malaking musical extravaganza ang handog sa mga Kapuso dahil gaganapin live sa World Trade Center ang culmination ng SOP Pasiklaband: The Grand Battle of Pinoy Bands.
Labing-apat (14) na mga banda ang magkakalaban dito — 6Cyclemind, Bamboo, Brownman Revival, Cueshe, Hale, Kamikazee, Orange & Lemons, Pupil, Rocksteddy, Sandwich, Shamrock, Spongecola, Stonefree at Sugarfree.
Magkakalaban sila sa mga kategoryang Best Pop Rock Band, Best Rock Band, Best Revival, Song of the Year, Favorite Vocalist, Breakthrough Band, at Band of the Year.
Gaganapin din sa World Trade Center ang 8th anniversary special ng S Files na pinamagatang ‘8-ternity,’ kung saan tampok ang walong kuwento sa showbiz.
Walong winners mula sa live audience at walo mula sa TV viewers ang mapipiling manalo ng mga papremyo mula sa S Files.
Magpapatuloy ang fantastic celebration hanggang gabi dahil matutunghayan ang isang engrandeng pagsasama ng mga Kapuso stars sa isang three-hour musical extravaganza na mapapanood nang live sa World Trade Center simula 7:00 PM.
Mapapanood ang delayed telecast nito sa Linggo ng gabi sa SNBO timeslot ng GMA-7 pagkatapos ng Daddy Di Do Du.
Libre ang admission sa Fantastic 56 celebration sa World Trade Center pero ‘No Ticket-No Entry’ at ‘First Come-First Served’ pa rin ang mahigpit na ipapatupad.
Fantastic na mga pa-premyo ang naghihintay sa espesyal na araw na ito dahil halos kalahating milyon ang mapapanalunan ng mga Kapuso texters.
Pitong masusuwerteng texter ang mananalo ng tig-P56,000 at isa ang mananalo ng grand prize na P100,000.
Para sumali sa Fantastic 56 promo na ito, mag-download ng GMA logo para magkaroon ng raffle entries.
I-text ang 56 KAPUSO sa 2364 (Globe, TM, Sun) o 4627 (Smart, Talk ‘N Text). P5 ang presyo ng bawat logo download.
Ia-announce ang pangalan ng mga nanalo sa TV telecast ng Fantastic 56: The GMA Anniversary Special sa Linggo ng gabi.

(courtesy of Abante Tonight)
--------------------------------------------------
samantala sa July 16 naman ang telecast sa Pinoy TV
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger