Showbiz-Files
Monday, July 10, 2006
  Ang Pagbabago..a show that will change your life
Ngayong Lunes na ang simula ng Ang Pagbabago, ang bagong show hosted by Diana Zubiri and Alfred Vargas. Excited na ang dalawa’t bagong field ang kanilang pinasok at kung susuwertihin, baka tuluy-tuloy na ang pagiging host nila. Sabi’y ‘pag nag-klik ito’y baka ilipat ang show sa time slot ng Extra Challenge. Ibig bang sabihin, sina Diana at Alfred na ang bagong Paolo Bediones at Miriam Quiambao ng GMA-7? Samantala, sa Wednesday na ang showing ng I Wanna Be Happy na dalawa sa mga bida ay sina Diana at Alfred. Siguradong maninibago ang kanilang fans sa linis ng pelikula’t wala silang kissing scene at cleavage lang ang ipinakita ng actress. Nausisa pa rin si Alfred sa pagkikita nila ng mommy ni LJ Reyes sa New York. Nagbigay respeto raw siya at in-assure itong walang dapat ikabahala’t aalagaan niya ang dalaga. Maganda’t bata at puwede raw maging artista ang mommy ng dalaga. Ann Taylor bag ang pasalubong niya kay LJ kapalit ng jacket na ipinasalubong sa kanya nang manggaling ito ng New York noong May.

(source from Philstar.com)

for GMA Pinoy TV schedule:

U.S. PDT Monday-Friday 3:30PM-4:00PM; replay Tuesday-Saturday 3:35AM-4:05AM

U.S. MDT Monday-Friday 4:30PM-5:00PM; replay Tuesday-Saturday 4:35AM-5:05AM

U.S. CDT Monday-Friday 5:30PM-6:00PM; replay Tuesday-Saturday 5:35AM-6:05AM

U.S. EDT Monday-Friday 6:30PM-7:00PM; replay Tuesday-Saturday 6:35AM-7:05AM

Japan Monday-Friday 5:00PM-5:30PM

Guam Monday-Friday 6:00PM-6:30PM

Dubai Monday-Friday 12:00NN-12:30PM

K.S.A. Monday-Friday 11:00AM-11:30AM

SaipanFriday-Tuesday 4:00PM-4:30PM

(courtesy of gmapinoytv.com)
 
Comments: Post a Comment



<< Home

ARCHIVES
July 2006 / August 2006 / September 2006 / January 2007 /


Powered by Blogger